dzme1530.ph

PGH, NILINAW NA HINDI SA PRESIDENTIAL SUITE NAKA-CONFINE SI DATING HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ

Loading

Nilinaw ng pamunuan ng Philippine General Hospital na hindi sa presidential suite o sa psychiatry ward naka-confine si dating House Speaker Martin Romualdez.
 
Ayon kay PGH Spokesperson, Dr. Jonas del Rosario, wala silang presidential suite sa pagamutan.
 
Sinabi ni Del Rosario na ang silid na ginagamit ni Romualdez ay pinili batay sa ilang konsiderasyon.
 
Kailangan anyang madaling i-secure ang silid, hindi nakakaistorbo sa ibang pasyente, sapat ang laki para i-accommodate ang security at equipment at mga tauhan na magsasagawa ng medical services at tests na kinakailangan.
 
Si Romualdez ay inilipat sa PGH sa Maynila mula sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.
 
Ito ay makaraang ipag-utos ng Sandiganbayan Third Division na magsagawa ng assessment kay Romualdez kung kinakailangan pa ng medical confinement.

About The Author