dzme1530.ph

MATINDING PAGBUSISI NG KAMARA SA P7.2-T 2027 PROPOSED NATIONAL BUDGET, ASAHAN

Loading

Asahan ang matinding pagbusisi na gagawin ng Kamara sa P7.2-T 2027 proposed national budget. ’Yan ang tiniyak ni House Speaker Faustino Bojie Dy III matapos tanggapin ang 2027 National Expenditure Program/NEP.

Sa acceptance speech ni Dy, sinabi nito na dadaan sa “rigorous scrutiny” ang NEP para masiguro na ang bawat piso sa budget ay magbebenepisyo sa taumbayan.

Kanila umanong titiyakin na ang tema ng 2027 budget na “People-Centered Growth for an Inclusive and Resilient Future” ay maisasabuhay.

Ani Dy, “Hindi sapat na sabihin kung magkano ang ginagastos, dapat maipakita kung ano ang nagagawa ng bawat piso.”

Tiniyak din nito na sa Bagong Kongreso, masusing susuriin ang bawat bahagi ng panukala, tatanungin ang mga ahensya kung paano nila gagamitin ang hinihinging budget, at ano ang kongkreto nitong bunga para sa sambayanan.

Saad pa ni Dy, sa nagdaang SONA ni PBBM, inilahad nito ang mga plano, kaya naman ngayon sa Bagong Kongreso, isasalin nila sa programa ang mga tinukoy ng Pangulo sa pamamagitan ng 2027 budget.

About The Author