![]()
Mula sa “zero” budget ngayong 2027, naglaan ang Marcos administration ng P107.4-B alokasyon para sa flood control para sa 2027.
Kinumpirma ito ni DBM Acting Sec. Kim Robert De Leon kasunod ng submission sa Kamara ng 2027 NEP.
Inilahad ni De Leon na sa naturang halaga, P19.6-B ay nakalaan sa Capital Outlay, kasama na d’yan ang nagpapatuloy na foreign-assisted projects.
Ang MMDA ay may P3.41-B flood control program, kasama na ang pagmamantine at operasyon ng 73 flood control structures na sila ang may kontrol.
Inamin ni De Leon na habang binubuo ang NEP, muling ikinunsidera sa talakayan ang pagbabalik ng alokasyon sa flood control dahil hindi naman aniya pwedeng pabayaan na nakatiwangwang ang mga nasimulan ng proyekto.
Nakita rin umano ngayong nag-uulan ang kahalagahan ng maayos na flood control system para maiwasan ang pinsala.
Gayunman, tiniyak ng kalihim na may sapat na “safeguards” ang mga proyektong ito para hindi mauwi sa ghost flood control projects.
