dzme1530.ph

Malacañang, nakikiisa sa World Suicide Prevention Day

Nakikiisa ang Malacañang sa paggunita ng World Suicide Prevention Day.

Sa social media post, isinulong ng Presidential Communications Office ang tema at adbokasiyang “Changing the Narrative on Suicide”.

Sa ilalim nito, hinihikayat ang lahat na makibahagi sa kampanyang “Start the Conversation” upang gawing normal at bukas ang usapan tungkol sa mental health.

Sinabi ng Palasyo na walang dapat ikatakot at dapat magtulong-tulong sa pagpapalaganap ng kamalayan at pagpapalawak ng suporta sa mental health ng bawat Pilipino.

Ang mga nangangailangan ng tulong ay maaari umanong tumawag sa National Mental Health Crisis hotline, Hopeline PH landline, at Dial-A-Friend, at ang kanilang mga numero ay makikita sa Facebook page ng PCO. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author