dzme1530.ph

Mahigit 200 babaeng menor de edad, ikinasal noong 2023 —PSA

Loading

Mahigit 200 kabataang babae, edad disi syete (17) pababa ang ikinasal noong 2023.

Mahigit triple ito ng kabataang lalaki na kanilang kaedad na nagpakasal sa kaparehong taon, batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa Data Dissemination Forum, sinabi ni PSA Vital Statistics Division Officer-in-Charge Marjorie Villaver, na noong 2023 ay mayroong 233 girls at 71 boys, below 18 years old, ang nagpa-rehistro ng kanilang kasal.

Sa naturang datos, ang pinakabatang babae na ikinasal ay 13-anyos habang ang pinakabatang lalaki ay 12-anyos.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si PSA chief at National Statistician Claire Dennis mapa hinggil sa maagang pagpapakasal at pagbubuntis ng mga teenager.

About The Author