dzme1530.ph

Mahigit 100 “Swifties,” na-scam ng halos P15-M para sa tickets ng “The Eras Tour” sa Singapore

Mahigit 100 “Swifties” o fans ni Taylor Swift ang nawalan ng kabuuang halos P15-M matapos ma-scam ng nagpanggap na nagbebenta ng tickets para sa “The Eras Tour” Concert sa Singapore.

Isa sa mga na-scam ang nagbayad umano ng P98,000 para sa apat na tickets sa scammer na nakita lamang niya sa Eras Tour Group.

Mayroon ding isa pang Swifty na nalagasan ng tumataginting na P400,000 matapos mabiktima ng scammer na pinaniniwalaang hindi lang iisang tao.

Ayon sa report, nagpadala ang scammer ng ID at selfie sa mga biktima para mapatunayan ang kanyang legitimacy, at nakipagkita pa sa ilan para papirmahin sila ng kontrata na nagsasaad na maari siyang idemanda kapag wala siyang ibinigay na ticket.

Gayunman, noong nakaraang linggo, kung kailan inaasahang ire-release ang tickets para sa March 2 Concert, walang naibigay ang suspek dahil nagka-problema raw ito sa authorized seller.

About The Author