dzme1530.ph

MAS MABABANG STOCK PRICE NG GCASH IPO, MAS KAAKIT-AKIT SA MAMUMUHUNAN, AYON SA INVESTMENT ANALYST

Loading

Higit na magiging mas kaakit-akit sa mas maraming mamumuhunan, kabilang ang mga maliliit at ordinaryong Pilipino kung mababa ang presyo ng share of stocks ng GCash sa initial public offering nito (IPO), ayon sa investment analyst na si April Tan.
 
Sinabi ni Tan na kailangang tingnan ang posibleng mas mababang presyo ng GCash shares sa konteksto ng kasalukuyang kalagayan ng stock market, kung saan mas kailangang gawing kaakit-akit ng mga kumpanyang nais makalikom ng puhunan ang kanilang mga shares.
 
Sa halip na ituring lamang na indikasyon ng kalagayan ng kumpanya ang posibleng mas mababang presyo, inihayag ni Tan na maaari rin itong maging tugon sa pangkalahatang kahinaan ng merkado.
 
Sa pananaw ng investment analyst, mahalagang tingnan ang pagpe-presyo ng Mynt IPO laban sa kasalukuyang kondisyon ng capital market, lalo na kung layunin ng kumpanya na makalikom ng puhunan sa panahong mahina ang investor sentiment.
 
Para kay Tan, ang mas mababang presyo ay maaaring magbigay ng pagkakataon para mas maraming mamumuhunan ang makalahok sa IPO, partikular ang mga ordinaryong Pilipino na karaniwang limitado ang pakikilahok sa stock market.

About The Author