dzme1530.ph

EXCISE TAX SA LPG AT KEROSENE, SINUSPINDE NA NI PANGULONG MARCOS

Loading

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsuspin­de sa excise tax ng LPG at kerosene lamang sa gitna ng pagsirit ng presyo ng langis.
 
March 25 nang lagdaan ng pangulo upang maging ganap na batas ang Republic Act No. 12316 na nagbigay sa kanya ng emergency power para suspendihin o bawasan ang excess tax rate sa petrolyo.
 
Sinabi ni Marcos na ang pansamantalang inalis na excise tax ay katumbas ng P3.36 per kilo o halos P37 na kabawasan sa kada 11-kilogram na tangke ng LPG habang P5.65 per liter na tapyas naman sa kerosene.
 
Samantala, inihayag ni Pangulong Marcos na tatalakayin pa ngayong Martes sa Uplift meeting ang excise tax sa diesel at gasolina.

About The Author