dzme1530.ph

Kontrata sa Miru System, selyado na -Comelec

Pormal nang sinelyuhan ng Commission on Elections (COMELEC) at Miru System Company Limited ang ₱17.7-billion na kontrata para sa gagawing automated elections sa 2025.

Pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia at Miru President Jinbok Chung ang paglagda sa kasunduaan.

Sa ilalim ng kontrata, magiging provider ang Miru System ng software, hardware, at election management system kasama na ang pagbibilang ng mga boto at printing ng mga balota.

Tiniyak ng Comelec at Miru Systems ang matagumpay, malinis at payapang halalan sa susunod na taon.

About The Author