dzme1530.ph

Kawatan, arestado matapos tumilaok ang mga ninakaw na manok

Nabuking ang ginawang pagnanakaw sa mga panabong na manok ng isang lalaking helper sa Cavite nang bigla itong tumilaok habang tinatakas ng suspek.

Ayon sa ulat, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang magtangkang tangayin ng di pinangalanang suspek ang tatlong mamahaling panabong na manok mula sa dalawang nagmamay-ari nito.

Tiyempo namang nagpapatrol ang mga barangay police sa lugar nang biglang tumilaok at sabay-sabay na nag ingay ang mga manok na nakatago sa dala-dalang bayong ng suspek dahilan kaya naaktuhan ang krimen.

Dahil dito, agad na dinala sa barangay ang nasabing suspek hanggang sa bawiin ng dalawang di pinangalanang biktima, ang ninakaw na mga manok.

About The Author