![]()
Red flag para kay Manila Cong. Joel Chua ang kawalan ng entries ng “cash on hand” o bank deposits sa SALN ni VP Sara Duterte at kabiyak na si Atty. Manases “Mans” Carpio sa anim na magkakasunod na taon.
Ito’y kahit na lumaki ng 60% ang net worth nila mula 2019 hanggang 2024.
Sa mga dokumento na isinumite ng Office of the Ombudsman sa House Committee on Justice, mula 2007 hanggang 2018 ay may cash at bank deposit declarations naman sa kanyang SALN.
Naniniwala ang mga kasapi ng komite na ang discrepancy sa SALN ng Bise ay indikasyon ng “pattern of underdeclaration” sa mga ini-report nitong kayamanan na siyang sentro ng pagtalakay para makita kung may probable cause ang isyu sa unexplained at ill-gotten wealth.
Para naman kay ML Party-list Rep. Leila de Lima, ang biglaan at tuloy-tuloy na pagkawala ng deklarasyon ng liquid assets sa kabila na meron naman dati ay nagbibigay ng pagdududa kung tama nga ang SALN nito.
