Sinampahan ng kasong murder ng National Bureau of Investigation (NBI) at PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Department of Justice sina dating PCSO General Manager Royina Garma at dating NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo.
Kaugnay ito ng pagpaslang kay PCSO Board Member Wesley Barayuga noong 2020.
Murder at frustrated murder ang isinampa laban kina Garma at Leonardo, at sa anim na iba pa, kabilang sina Police Lt. Col. Santie Mendoza at Police Informant Nelson Mariano.
Sa kabila ng pagiging respondents ay inirekomenda bilang state witnesses sina Mendoza at Mariano, dahil sa kanilang pakikipagtulungan sa imbestigasyon.
Sept. 27, 2024 nang ituro nina Mendoza at Mariano sina Garma at Leonardo bilang masterminds sa pagpaslang kay Barayuga, na kapwa naman itinanggi ng dalawang opisyal.