dzme1530.ph

Kapalaran ng mga POGO sa bansa, nasa kamay na ng Malacañang

Nasa kamay na ng ehekutibo ang magiging kapalaran ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ang binigyang-diin ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. kasabay ng pagtiyak na susuportahan niya anuman ang maging desisyon ng adminstrasyon sa kapalaran ng mga POGO.

Sinabi ni Revilla na ang executive department ang may diskresyon sa pagtimbang sa positibo at negatibong maidudulot ng pagsasara ng industriya.

Subalit batay anya sa mga kasalukuyang impormasyon at rebelasyon, lumilitaw na mas makabubuti sa bansa kung matitigil na ang operasyon ng mga POGO.

Kailangan lamang aniyang matiyak ng gobyerno na magiging maayos ang kalagayan at transition ng may 20,000 Filipino workers sa mga POGO na mawawalan ng trabaho upang magpatuloy ang kanilang maayos na pamumuhay.

About The Author