dzme1530.ph

Kanselasyon ng kontrata sa Masungi Georeserve, nais idulog kay PBBM

Loading

Nais ni Sen. Nancy Binay na idulog kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanselasyon ng Department of Environment and Natural Resources sa 23-year contract sa Blue Star Construction Development Corporation kaugnay sa pagmamantina at pangangalaga sa Masungi.

Matapos ang kanselasyon ng kontrata ay inatasan din ng DENR ang Masungi Georeserve Foundation na lisanin at bakantehin na ang conservation area.

Nababahala si Binay na posibleng tumaas ang iligal na aktibidad at security issues sa lugar dahil sa kakulangan ng tauhan at resource ng DENR bukod pa sa wala itong sapat na kakayang pangalagaan ang lugar.

Nais malaman ng senador kung ano ang plano ng DENR para maipagpatuloy ang pangangalaga at proteksyon sa Masungi lalo’t may responsibilidad ang ahensya sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System Act.

Nanawagan si Binay sa Punong Ehekutibo na atasan ang DENR, Bureau of Corrections, Department of Tourism, local government units at iba pang stakeholders na solusyunan ang patong-patong na legal issues sa Masungi.

About The Author