dzme1530.ph

Kai Sotto, tagapalakpak lang sa Japan B League

Nagmukhang tagapalakpak lamang ang basketball star ng Pilipinas at NBA aspirant na si Kai Sotto sa naging laban ng Hiroshima Dragonflies kontra Ryukyu Golden Kings sa nagpapatuloy na Japan B League. 

Nakakuha naman ito ng 10 points, tatlong blocks, dalawang boards, at isang steal sa simulang kanyang laro pero hindi ito nakatulong sa Dragonflies upang manalo. 

Kadalasan pang inilalabas si Sotto dahil sa estilo ng paglalaro nito na ikinadismasya ng mga nanonood at mga taong umaasa sa kanyang laro. 

Inaasahan sana siyang kumuha ng rebound, pero mas gusto ni Sotto na maglaro sa labas at magtitira ng 2 points. 

About The Author