dzme1530.ph

Bea Alonzo at Dominic Roque, muntik nang maghiwalay

Inamin ng aktres na si Bea Alonzo na kamuntik na silang maghiwalay ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque. 

Ayon kay Bea, hindi natuloy ang kanilang pagbi-break dahil malaki ang papel ni Dominic para maisalba ang kanilang relasyon. 

Sinabi pa ng aktres na bilib siya sa kasintahan dahil palaging nais nito na mag-work ang kanilang relationship. 

Aminado si Bea na inihanda na niya ang kanyang sarili na posibleng mauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nila ni Dominic noon, lalo na’t dumaan siya sa breakup. 

May mga panahon aniya na dahil sa sobrang paso niya sa pag-ibig ay handa siya lagi sa goodbyes, subalit buti na lamang ay hindi siya sinukuan ni Dominic. 

Sa ngayon ay mahigit dalawang taon na ang relasyon ng dalawa. 

About The Author