dzme1530.ph

SENADO, NABALOT NG TENSYON MATAPOS ANG SUNOD-SUNOD NA PUTOK NG BARIL KAGABI

Loading

Nabalot ng tensyon ang buong Senado, kagabi sa gitna ng impormasyon na muling tatangkain arestuhin si Senador Ronald Bato dela Rosa.

Ito ay nang magkaputukan ng baril sa ikalawang palapag ng gusali ng Senado matapos na may makapasok umanong mga armadong lalaki sa gusali.

Sa pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla na agad rumesponde sa insidente, pinaputukan ng mga tauhan ng Office of the Sergeant at Arms ang dalawang lalaki na namataan sa dulong bahagi ng 2nd floor tagos sa GSIS Building.

Nilinaw din ni Remulla na walang atas na arestuhin si dela Rosa bagkus ang kanyan misyon ay isecure ang lahat ng mga senador na naabutan ng kaguluhan sa building.

Makalipas naman ang ilang oras na imbestigasyon, inanunsyo ni Senador Imee Marcos na isang confidential agent ng NBI ang inaresto makaraang balikan ang naiwan nitong tactical operations bag.

Ayon kay Marcos, umamin ang inarestong tauhan siya ni Atty. Jerome Bomediano ng NBI Transnational Crime.

About The Author