dzme1530.ph

Kaduda-dudang mga pangalan ng tumanggap ng confidential fund, nadagdagan pa

Loading

Patuloy ang pagdami ng tumanggap ng confidential funds mula sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte na may kaduda-dudang mga pangalan.

Kahapon ay ibinunyag ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union ang panibagong grupo ng tumanggap ng confidential funds mula sa Department of Education (DepEd), na tinawag niyang “Team Amoy Asim.”

Ayon kay Ortega, kinabibilangan ito ng mga pangalang “Amoy Liu,” “Fernan Amuy,” at “Joug de Asim.”

Inihayag ng mambabatas na ang mga pangalan ay isinumite ng Office of the President at DepEd sa Commission on Audit (COA).

Sinabi pa ni Ortega na sina Liu, Amuy, at de Asim ay pawang walang birth, marriage, o death records sa Philippine Statistics Authority.

About The Author