![]()
Hindi napigilan ni Judy Ann Santos ang maging fangirl nang makita nila ng kanyang mga anak si Chris Hemsworth na mas nakilala sa pagganap bilang Thor.
Sa Instagram, ibinahagi ni Juday at kanyang mister na si Ryan Agoncillo ang joint post kung saan nakipag-selfie ang aktres kasama ang kanilang mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna sa Hollywood actor.
Sa comments section, biniro ng ilang celebrity friends, gaya nina Angelica Panganiban at Isabelle Daza, si Juday tungkol sa kanyang fangirling.
Noong June 2023 nang bumisita sa Pilipinas si Chris para i-promote ang kanyang Netflix film na “Extraction 2,” na sequel sa unang pelikula na batay sa graphic novel na “Ciudad” ni Ande Parks.
