dzme1530.ph

Judge na nagbasura sa drug case ni dating Sen. De Lima, itinalagang bagong Associate Justice ng Sandiganbayan

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Judge na nagbasura sa drug case ni dating Sen. Leila De Lima, bilang bagong Associate Justice ng Sandiganbayan.

Inilabas ang appointment document ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 Judge Gener Gito bilang bagong Sandiganbayan Justice, na may Petsang Oct. 8 at may lagda mismo ng Pangulo.

Si Gito ay asawa ni Court of Appeals Associate Justice Emily San Gaspar-Gito, at siya ang nagbasura sa kasong conspiracy to commit drug trade ni De Lima.

Papalitan niya si Sandiganbayan Associate Justice Oscar Herrera. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author