dzme1530.ph

January 16, 2025, idineklarang special non-working day sa Navotas para sa City founding anniversary

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang special non-working day sa Navotas City sa January 16, 2025.

Ito ay para sa ika-isandaan at labing-siyam na founding anniversary ng lungsod.

Sa proclamation no. 761, nakasaad na nararapat na mabigyan ng buong oportunidad ang mga mamamayan ng navotas na makiisa sa selebrasyon.

Samantala, deklarado rin ang special non-working day sa Batangas City sa January 16 para sa Tourist and Cultural Day kasabay ng City Fiesta.

Magkakaroon din ng special non-working day sa Koronadal City South Cotabato sa January 10 para sa Koronadal Hinugyaw Festival, at January 11 sa Rosales pangasinan para sa kanilang founding anniversary.

—ulat mula kay Harley Valbuena

About The Author