dzme1530.ph

Jan. 27, deklaradong Muslim Holiday para sa Al Isra Wal Miraj

Deklarado ng Malakanyang ang Holiday ngayong araw ng Lunes, Jan. 27, para sa mga Muslim.

Ito ay kaugnay ng paggunita ng Al Isra Wal Miraj o night journey at ascension ni Prophet Muhammad.

Ayos kay Executive Sec. Lucas Bersamin, hindi ito Isang national holiday kundi Muslim holiday sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at iba pang Muslim areas na tinukoy sa Muslim Code.

Samantala, excused o maaari na ring lumiban sa trabaho ang mga Muslim na nasa mga lugar kung saan hindi holiday ang Al Isra Wal Miraj, tulad ng Metro Manila. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author