dzme1530.ph

Isinusulong na Cha-Cha, walang sapat na suporta mula sa Senado

Walang sapat na suporta sa Senado ang isinusulong na pag-amyenda sa konstitusyon ayon kay Senate President Juan Miguel ”Migz” Zubiri na naninindigan sa pagkontra sa Charter Change.

Sabi ni Zubiri, sa kanyang pagkakaalam ay halos kalahati ng mga kasama niya sa mataas na kapulungan ay tutol sa Cha-Cha kaya kahit pa aniya ang Cha-Cha ay hindi ito makakakuha ng 3/4 votes o katumbas ng 18 boto.

Dagdag pa ng Senate Leader, mahihirapan ding umusad ang Cha-Cha kung hindi ito prayoridad ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa kanyang tanggapan partikular sa Department of Budget and Management (DBM) manggagaling ang pondo para rito.

Kaya naman iginiit ni Zubiri na mas mainam na pagtuunan na lang ng pansin ang mga priority measures na isinusulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa halip na Cha-Cha na magdudulot lang anya ng dibisyon sa Senado.

About The Author