dzme1530.ph

Gab Chee Kee ng Parokya ni Edgar, nakalabas na ng ospital

Nakalabas na ng ospital ang gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee.

Sa Instagram post, pinasalamatan ng frontman ng banda na si Chito Miranda ang mga fans sa kanilang suporta, kasabay ng pagsasabing magpapatuloy pa ang chemotherapy ni Gab.

Dalawang buwan nanatili sa ospital ang gitarista bunsod ng pneumonia at ilang major at minor operations ang pinagdaanan nito dahil sa komplikasyon ng kanyang sakit.

Umaasa si Chito na tuluyang makakarekober si Gab mula sa cancer at ang kuwento nito ay magsilbing inspirasyon sa iba.

Tiniyak din ng frontman ng Parokya na sasamahan nila si Gab sa paglaban nito sa sakit na lymphoma at ipapanalo nila ito.

About The Author