dzme1530.ph

ISANG SPANISH NATIONAL, HINATULAN NG ILLEGAL POSSESSION OF FIREARMS SA BASILAN

Hinatulang Guilty ng korte sa Basilan sa kasong Illegal Possession of Firearms, ang isang espanyol na inakusahan ng terorismo.

Ayon kay Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla, hinatulan ng Basilan Regional Trial Court Branch 1 si Abdelhakim Labidi Adib ng tatlong counts ng possession of Loaded Small Arm.

Sinintensyahan itong mabilanggo ng walo hanggang labing-apat na taon sa bawat conviction.

Si Adib ay naaresto sa isang checkpoint ng militar sa Basilan noong 2018 kasunod ng natanggap na Intelligence Report na may dalawang kahina-hinalang indibidwal ang dadaan sa bayan ng Maluso.

Tinangkang itapon ni Adib ang bitbit niyang bag habang tumakas naman ang kanyang kasama.

Narekober sa bag ang rifle grenade, hand grenade, at iba pang armas.

About The Author