dzme1530.ph

PILIPINAS, NAKAPAGTALA NA NG 4,059,369 NATIONWIDE CASELOAD AYON SA DOH

Nakapagtala ang Pilipinas ng 1,031 na mga bagong kaso ng COVID-19 dahilan para lumobo na sa 4,059,369 ang Nationwide Caseload.

Sa pinakahuling datos mula sa Department Of Health (DOH), bahagyang tumaas sa 16,900 ang Active Infections kahapon mula sa 16,896 noong miyerkules.

Samantala, umakyat din sa 3,977,297 ang Total Recoveries makaraang 870 pang mga pasyente ang gumaling sa COVID-19.

Tatlumpu naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya sumampa na sa 65,172 ang Death Toll.

About The Author