dzme1530.ph

Isa sa mga nawawalang seafarer, natagpuan na

Loading

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers sa Senado na natagpuan na ng mga awtoridad ang isa sa mga nawawalang Pinoy seafarers.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Migrant Workers, sinabi ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac, natagpuan na ang Pinoy crew na si Jeric Bueno na nawala sa bahagi ng Brazil noong February 22.

Nakita na aniya ang labi ni Bueno at agad silang nagdemand ng autopsy sa mga awtoridad dahil hindi malinaw kung paanong nasawi ang Pinoy.

Samantala, wala pa ring balita sa mga nawawalang Pinoy seafarers na sina Ralph Anthony Bobiles na noong Dec. 5, 2024 pa nawawala sa Panama; Jimbo Cadungog na noong August 31, 2024 nawawala; at Vincent San Diego na June 16, 2023 pa hindi matagpuan sa Norway.

Hindi naman tinatanggap ng DMW ang resulta ng imbestigasyon ng Panamian authorities sa pagkawala ni Bobiles na sinasabing bigla na lang naglaho sa barko at walang indikasyon ng foul play.

11 sa mga Pinoy seaman na kasamahan ni Bobiles sa barko ang nakauwi na ng Pilipinas at kinunan na ng testimonya ng mga awtoridad.

Hindi rin malinaw kung papaano biglang nawala ang seafarers kaya patuloy na humihingi ng paliwanag ang DMW sa mga manning agencies at sa mga foreign authorities.

About The Author