dzme1530.ph

Intel funds ni ex-Pres. Duterte, posibleng pinagkunan ng pondo sa reward para sa drug war killings

May hinala si House Deputy Minority Leader France Castro, na ginamit din ng dating Pang. Rodrigo Duterte sa reward para sa drug war killings ang confidential funds nito.

Nabuo ito makaraang isalaysay ni former PCSO GM Royina Garma sa kanyang affidavit na posibleng bahagi ng pinagkunan ng pondo para sa reward ay ang confidential at intelligence funds.

Gayunman, nanindigan si Garma na umiral ang reward money sa mga pulis na makakapatay ng adik, pusher, drug lord o chemist na nasa druglists ng gobyerno noon, at ito ay naglalaro sa ₱20,000 hanggang ₱1-M.

Pinangalanan din ni Garma si former President Duterte at nuo’y presidential sidekick na si Sen. Bong Go na siyang nangasiwa sa reward money.

Nanggagaling umano kay Bong Go ang pera at ibinababa ito kay Col. Edilberto Leonardo ng CIDG Region 11, kabilang ang PDEA at BuCor. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author