Pabor si Senate Committee on Electoral Reform Chairperson Imee Marcos sa planong ipatupad ng Commission on Elections (COMELEC) na mall voting sa 2025 Midterm Elections
Subalit dapat anyang tiyakin ng COMELEC sa publiko na kaya nilang protektahan ang balota lalo na ang pagbibilang ng mga boto.
Binigyang-diin ni Marcos na mahalagang matiyak ng poll body na walang tampering na magaganap sa transmission ng resulta
Sinabi ng senadora na ang hakbang na ito ng comelec ay naglalayong mapataas ang voter turn-out o bilang ng mga boboto sa eleksyon at maiwasan ang siksikan sa tradisyunal na voting center at makapagbigay ng mas mahusay na access sa halalan.
Sa kabilang dako, iginiit ng senadora na ang pinakamahalagang usapin ay ang pagtiyak na mabibigyang seguridad ang integridad at secrecy ng mga balota
Una rito, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na magpapatupad sila ng mall voting sa buong bansa para sa halalan sa susunod na taon.