dzme1530.ph

Inhinyero ng bumagsak na Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela, iginiit na hindi mali ang disenyo ng tulay

Loading

Kinontra ng inhinyero ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela ang umano’y maling disenyo kaya ito bumagsak.

Iginiit ni Engineer Alberto Cañete na tumalima ang istruktura sa Bridge Code of the Philippines.

Ipinaliwanag ni Cañete na mula sa 12 arko ng tulay, matagumpay na nakatawid ang truck sa 9 bago bumigay sa ika-10.

Sinabi ng Inhinyero na kung mali ang design, sa unang arko pa lamang ay babagsak na ang tulay.

Posible aniya na may naiba, o posibleng sa konstruksyon o pagkabit, dahil ang naputol sa tulay ay ang koneksyon.

Binigyang diin ni Cañete na siyang may-akda ng 1997 at 2015 version ng Bridge Code, na ang tulay ay inisyal na idinesenyo sa ilalim ng 1997 Code.

Gayunman, sinimulan ang konstruksyon sa tulay noong 2014, at pagsapit ng 2015 ay saka inilabas ang bagong standards, kung saan itinaas ang force requirements para sa bridge design.

About The Author