dzme1530.ph

Ina ng itinuturing na mastermind sa Degamo slay case, nagtungo sa NBI

Personal na nagtungo sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila ang Ina ng nahuling utak sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Dumating sa NBI pasado 6:30 ng gabi si Mrs. Conchita Miranda kasama ang abogadong si Atty. Reynante Orseo.

Sa ambush interview sinabi ni Mrs. Conchita Miranda na gusto niya lamang makausap ang kanyang anak at makita ang kalagayan nito sa loob ng piitan. Tumatanggi naman si Mrs. Miranda na magbigay ng iba pang mga detalye.

Ayon sa kay Atty. Orseo, sinusubukan lamang nila na makita ang kalagayan at makausap ang suspek na si Marvin Miranda na dinakip ng NBI nitong weekend.

Sakaling umano na hindi nila makaharap si Marvin Miranda ay saka sila gagawa ng legal na hakbang upang makita ito.

Si Marvin Miranda ay kasama ni Negros Oriental Third District Representantive Arnolfo Teves Jr. na itinuturo bilang utak sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa panulat ni FELIX LABAN, DZME News

About The Author