dzme1530.ph

Implementasyon ng Sugar Order 6, sinuspinde ng SRA

Inanunsyo ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang suspensyon ng Sugar Order 6, na nag-o-obliga ng karagdagang requirements para sa pag-import ng sugar alternatives at iba pang sugar-based products.

Ayon kay SRA Chief Pablo Azcona, napagpasyahan ang pagsuspinde sa implementasyon ng SO 6 sa meeting ng SRA Board, bilang tugon sa concerns ng stakeholders sa sugar industry.

Kasunod ito ng panawagan ng major industry groups sa sra na irekonsidera ang kautusan, at hinimok ang pamahalaan na tugunan ang malawak na implikasyon ng SO sa importers at concessionaires.

Sa ilalim ng SO 6, ipinag-utos ng SRA ang pagpapatupad ng import clearance fees sa sugar alternatives at sugar-based items, lalo ang asukal, flavored syrup, lactose, glucose, maltose, maple syrup, honey, at caramel. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author