![]()
Kinumpirma ni Senate President Alan Peter Cayetano na magko-convene na sila bilang impeachment court sa Lunes, May 18.
Ito ay makaraang matanggap nila kagabi ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa sulat na nilagdaan at ipadadala ni Cayetano kay House Speaker Bojie Dy, hiniling din niya na humarap ang mga miyembro ng Kamara sa petsang kanilang itatakda.
Matapos aniya silang mag-convene ay agad na silang magpapadala ng summons sa magkabilang panig para sa impeachment proceedings.
