Inimbitahan ng Department of Tourism (DoT) ang Hollywood executives na mag-shooting sa Pilipinas, dahil sa magagandang tanawin at mahuhusay na talento ng mga Pilipino bilang malaking insentibo para sa filmmakers.
Ginawa ni Tourism Secretary Christina Frasco ang imbitasyon sa press conference sa Sunset Marquis Hotel sa Los Angeles, California.
Binigyang diin ni Frasco ang natural na ganda ng Pilipinas at mga benepisyong makukuha sa pagpili sa bansa bilang lokasyon.
Ibinida rin ng Kalihim ang mahusay na pagsasalita ng Ingles ng mga Pilipino at skilled workforce na karagdagang panghikayat sa foreign filmmakers.