![]()
Patuloy ang paghahanap ng Indonesian rescue teams sa mga workers na na-trap sa isang minahan sa West Java Province.
Ayon sa Search and Rescue Agency, na-stuck ang mga minero sa minahan na may lalim na 100 meters bunsod ng malakas na pag-ulan sa lugar simula noong Lunes.
Matatagpuan ang minahan sa Bogor, isang bulubunduking lugar sa katimugan ng kabisera na Jakarta.
Tinaya ng iba’t ibang local media outlets sa 30 ang bilang ng mga manggagawang na-trap sa minahan.
