![]()
Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Department of Transportation (DOTr) ang halos ₱200 billion na combined disbursements ngayong fourth quarter ng 2026, sa layuning palakasin ang economic growth sa pamamagitan ng mas mabilis na infrastructure spending.
Aminado si DOTr Secretary Vince Dizon, na unang pinamunuan ang DPWH, na bumagal ang infrastructure spending ngayong taon dahil inuna ng gobyerno ang pagpapapanagot sa mga sangkot sa flood control corruption scandal at mga reporma para maiwasan ang parehong mga pag-abuso.
Binigyang-diin ni Dizon na bagaman umabot sa record levels ang infrastructure spending sa mga nagdaang taon, maraming pera naman ang hindi napunta sa aktwal na konstruksyon.
Para makabawi, inihayag ng kalihim na target ng dalawang ahensya na itaas ang disbursements ng 40% to 50% year-on-year sa fourth quarter.