Nakadaragdag lamang sa mga problema ng bansa ang nagiging aksyon ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang pahayag ni Senate President Francis Escudero kasunod ng pagmumura at pagbabanta ni VP Sara kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr, First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Tinawag pa ni Escudero na erratic and troubling behavior ang ipinakita ng Pangalawang Pangulo sa publiko.
Nanawagan ang Senate Leader sa mga malalapit kay VP Sara na pakalmahin siya upang manumbalik sa tamang pag-iisip para sa patuloy na pagtupad sa kanyang responsibilidad.
Ipinaalala ni Escudero na bilang isang halal na opisyal ay may responsibilidad silang magsilbing magandang ehemplo sa publiko lalo na sa kabataan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News