Halos isandaang (100) reports ng paglabag sa eleksyon ang natanggap ng election watchdog, sa loob lamang ng isang buwan na campaign period para sa senatorial candidates at party-list groups.
Sa initial report na may petsang March 14, sinabi ng Kontra Daya at Vote Report PH na karamihan sa mga iniulat na violations ay kinasasangkutan ng red-tagging o pag-akusa sa grupo o indibidwal na kumakampi sa mga komunista at “illegal campaigning.”
Mula sa kabuuang 94 reports, nanguna sa listahan ang red-tagging na may 63.8% habang sumunod ang illegal campaigning na mayroong 24.5%.
Kabilang din sa iba pang naitalang mga paglabag ay vote buying na may 4.3%; illegal use of public resources, 3.2%; at “other violations,” 4.2%.