![]()
Magdadala pa rin ng mga pag-ulan ang habagat sa Luzon at sa western section ng Visayas, ngayong Lunes.
Ayon sa PAGASA, magdudulot ang habagat ng mga pag-ulan sa Benguet, Zambales at Bataan.
Occasional rains ang inaasahan sa Metro Manila, Ilocos Region, natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro.
Iiral naman ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa Western Visayas, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, natitirang bahagi ng CALABARZON, natitirang bahagi ng MIMAROPA, Camarines Norte, at Camarines Sur.
Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan o pagkulog at pagkidlat bunsod ng localized thunderstorms.
As of 8:00 a.m., patuloy pa ring binabantayan ng PAGASA ang Tropical Storm “Peilou” na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) o nasa 2,765 km east ng extreme northern Luzon.
Sumikat ang araw kaninang 5:41 ng umaga at lulubog ito mamayang 6:22 ng gabi.
