dzme1530.ph

IMPEACHMENT TRIAL AT SESYON NG SENADO NGAYONG ARAW, SUSPENDIDO

Loading

Ipinag-utos na ni Senate President Sherwin Gatchalian ang suspensyon sa impeachment trial at sesyon ng Senado ngayong araw na ito.
 
Ito ay dahil marami pa rin anyang lugar ang nananatiling lubog sa baha dahil sa pag-ulan.
 
Ang mga empleyado naman ng Senado ay isinailalim sa Work From Home setup para ngayong araw na ito.
 
Wala pa namang inilalabas na kautusan ang Impeachment Court at maging ang Senado kung magkakaroon ng pagpapalawig ng trial ngayong linggong ito bunsod ng suspensyon.
 
Nakatakda sanang ipagpatuloy ngayong araw na ito sa impeachment trial ang direct examination sa state auditor na si Xylene Del Campo na susundan ng cross-examination at interjection ng mga senador.

About The Author