dzme1530.ph

Gunman ni Dj Johnny Walker, nasakote sa Dipolog City

Nahulog na sa kamay ng mga awtoridad ang itinuturong killer o hitman na pumatay sa radio broadcaster na DJ na si alyas Johnny Walker habang nagpo-programa sa radyo sa Misamis Occidental.

Ito ang kinumpirma ngayong araw ni Usec. Paul Gutierrez, Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security sa mga mamahayag.

Dagdag pa ni Gutierrez ang suspek ay naaresto kaninang madaling araw lamang sa Dipolog City, Zamboanga Del Norte ng mga pinagsanib na puwersa ng Misamis Occidental at Zamboanga Del Norte Philippine National Police.

Giit ni Gutierrez ang akusado ay dating kasapi di-umano ng NPA na naging hitman kalaunan.

 

About The Author