![]()
Tinanggal na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bilang mandatory requirement ang GPS trackers sa service contracting program.
Sa halip, pinalitan ito ng QR code-based system, upang mabawasan ang gastusin ng mga public utility vehicle drivers.
Ipinaliwanag ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza II na ginawa ang adjustment bilang tugon sa hinaing ng mga driver at operator na dagdag gastusin ang GPS trackers.
Sinimulan na ng gobyerno ang service contracting program sa ruta ng EDSA Carousel bilang bahagi ng short term financial relief sa transport sector.
Sa ilalim ng revised guidelines, ibabatay ang trip monitoring sa QR codes na daraan sa scanner sa bawat designated stops upang mairecord ang byahe.
Iginiit ni Mendoza na bagama’t pansamantala lamang ang service contracting program ay makatutulong naman ito sa mga miyembro ng transport sector.
