dzme1530.ph

PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, IPINABABABA SA 55 PESOS KADA LITRO

Loading

Nanindigan si MANIBELA Chairman Mar Valbuena na realistic o makatotohanan ang panawagan ng mga transport group na ibaba ang presyo ng produktong petrolyo sa 55 pesos kada litro.

Sinabi ni Valbuena na agad itinaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa umpisa pa lamang ng tensyon sa Middle East kahit stock pa ang kanilang ibinibentang produkto.

Kaya ang ipinambili anya ng panibagong stock ng mga kumpanya ng langis ay nagmula sa siningil na rin sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo.

Dahil dito, iginiit ni Valbuena na ang ipinambibili ngayon ng stock ay galing mismo sa pera ng taumbayan.

About The Author