dzme1530.ph

GOVERNMENT INFRASTRUCTURE SPENDING, NAKAREKOBER NOONG SETYEMBRE

Loading

Tumaas ng 14% ang infrastructure spending ng gobyerno noong Setyembre kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa latest disbursement report, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na umakyat sa ₱89.7 billion ang infrastructure at iba pang capital outlays noong ika-siyam na buwan mula sa ₱78.7 billion noong September 2025.

Inihayag ng DBM na ang increase ay repleksiyon ng mas mataas na payments para sa road infrastructure requirements na ipinroseso sa ilalim ng applicable project validation, documentation at financial-control procedures.

Ang rebound ay kasunod ng ilang buwang bumagal ang infrastructure spending matapos higpitan ng pamahalaan ang safeguards sa pagpapatupad at disbursement ng public works projects bunsod ng flood control scandal.

About The Author