Pinaghahandaan na ng Gobyerno ang posibleng pagpasok sa bansa ng Artificial Intelligence o A-I generated Child Sexual Abuse and Exploitation Material.
Sa Press briefing sa malakanyang, inihayag ni Philippine National Police women and children protection center Chief Police Brig. General Portia manalad na makikipagtulungan ang pilipinas sa ibang bansa, tulad ng South Korea sa pag-develop ng tool o mekanismo upang madaling matukoy ang A-I C-SAEM.
Aminado naman si Manalad na isang malaking hamon ang A-I child sexual content dahil karamihan sa mga ito ay nasa Dark web, at sila ay palaging “One Step Ahead” pagdating sa teknolohiya.
Kaugnay dito, nagsimula na umano ang training sa paglaban dito, at nakikipagtulungan na rin ang iba’t ibang U-N Agencies.
Sinisikap na ring i-upgrade ang Anti-online Child Sexual Abuse System upang magkaroon ito ng kakayanang ma-detect ang A-I na mga imahe ng mga bata.
Sinabi rin ng P-N-P general na ang A-I child sexual abuse ay nakasaad at maaari na ring maparusahan sa ilalim ng Republic Act No. 11930.