Inanunsyo ng Milwaukee Bucks na hindi makapaglalaro si Giannis Antetokounmpo sa natitirang tatlong games ng regular season ng NBA kasunod ng tinamong left calf strain.
Hindi muna makakabalik sa hardcourt ang two-time MVP matapos ang 104-91 home victory laban sa Boston Celtics.
Nagtamo ng non-contact injury si Antetokounmpo na bigla na lamang bumagsak sa sahig at dinakma ang kaliwang binti, hanggang sa pagtulungang ilabas ng medical staff.
Sa statement ng team, isasailalim ang 29 anyos na player sa daily treatment at evaluation.