dzme1530.ph

Gasolina at diesel, may dagdag-presyo ngayong Martes

Matapos ang dalawang sunod na price rollback, tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes.

Ayon sa mga kumpanya ng langis, ₱1.10 ang idinagdag nila sa kada litro ng gasolina habang ₱ 0.20 naman sa diesel.

Wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene o gaas.

Noong nakaraang Martes ay nagpatupad ang oil companies ng malakihang bawas-presyo sa petroleum products. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author