dzme1530.ph

Gadon, planong magsampa ng impeachment case laban sa SC justices

Pina-plano ng disbarred lawyer na si Larry Gadon na magsampa ng impeachment case laban sa justices ng korte suprema na pumirma sa hatol sa kanyang guilty sa perjury.

Ito ay kaugnay ng gross misconduct at multang P150,000 na ipinataw kay Gadon, dahil sa mga kasinungalingang akusasyon sa inihain niya noong impeachment complaint laban kay ousted chief justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Gadon na nagsisilbi ngayong presidential anti-poverty CZAR, hinihintay pa niya ang kopya ng hatol mula sa kataas-taasang hukuman, upang kanyang mapag-aralan ang posibleng paghahain ng impeachment case laban sa mga pumirma rito.

Iginiit pa ni Gadon na walang jurisdiction ang korte suprema sa impeachment case laban kay Sereno, dahil inihain ito sa kamara.

Ito umano ang nagpapakita ng grave abuse of discretion ng SC, dahil wala itong kapangyarihang mag-deklara kung totoo o hindi ang mga alegasyon.

Samantala, kaduda-duda rin umano ang timing ng paglabas ng SC resolution sa panahong muli niyang binabatikos ang ABS-CBN, at binanggit din nito na ang public information officer ngayon ng SC ay isang dating reporter ng ABS-CBN.

Naniniwala rin si Gadon na ganti ito ni SC Senior Associate Justice Marvic Leonen na sinampahan niya rin ng impeachment case noong 2019.

About The Author