dzme1530.ph

HYPOTHETICAL TANDEM NINA VP SARA DUTERTE AT SEN ROBIN PADILLA PARA SA 2028 ELECTIONS, NAKAUNGOS SA POSIBLENG TANDEM NINA MAYOR LENI ROBREDO AT SENADOR BAM AQUINO

Loading

Nanguna ang hypothetical tandem nina Vice President Sara Duterte at Senador Robinhood Padilla laban sa posibleng tandem nina Naga City Mayor Leni Robredo at Senador Bam Aquino para sa 2028 pres’l elections.

Batay ito sa Tugon ng Masa nationwide survey na isinagawa ng OCTA Research.

Ginawa ang survey noong July 4 hanggang 11 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents.

Sa survey, lumitaw na 48 percent ang pabor sa Duterte-Padilla tandem habang 36 percent ang pabor sa Robredo-Aquino tandem.

16 percent naman ng mga respondent ang undecided.

Kung ikukumpara naman sa survey noong 2025, lumiit na ang gap sa pagitan ng dalawang tandem na mula 20 to 25 points ngayon ay nasa 12 points na lang.

About The Author