dzme1530.ph

DA, NAGHAHANDA PARA SA BAGONG ROUND NG FUEL SUBSIDY PARA SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA

Loading

Ikinakasa ng Department of Agriculture (DA) ang bagong round ng fuel subsidies para sa mga magsasaka at mga mangingisda sa bansa.
 
Ito’y matapos makatanggap ang ahensya ng karagdagang 6.2 billion pesos na additional fund sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Program ng pamahalaan.
 
Ayon sa DA, naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng Special Allotment Release Order (SARO) para sa karagdagang pondo.
 
Hinikayat naman ng Federation of Free Farmers ang gobyerno na ipamahagi sa lalong madaling panahon ang subsidiya, lalo’t nalalapit na ang harvest season.

About The Author